Internet Explorer -selainta ei enää aktiivisesti tueta. Suosittelemme käyttämään sivustoamme esimerkiksi Google Chrome tai Mozilla Firefox -selaimilla.

Jillian Dy, Hasan, Jemina Mäki, Fatima Sison, Si Tesfaya Mihret at si Kiran Aryal ay nagkatrabaho sa La Famiglia.

Dapat tanggapin ng mga Finns ang mga personnel ng serbisyo para sa customer na may banyagang wika, ayon sa eksperto

Teksti:
Maarit Rasi, Kaisa Viljanen
Kuvat:
Aleksi Poutanen
Julkaistu: 7.5.2024
|
Muokattu: 7.5.2024
Sa hinaharap, mas madalas pang sasalitain ang Ingles sa mga restaurant. Ang mga kasanayan sa wika ay hindi ang palaging pinakamahalaga sa serbisyo para sa customer, ayon kay Markku Sippola ng University of Helsinki.

Good morning!

Isang masayang pagbati ang sumalubong sa akin mula sa back room ng La Famiglia restaurant sa Helsinki. Binabati ng mga staff mula sa Finland, Pilipinas, Nepal, Turkey at Ethiopia ang isa't isa ng magandang umaga sa Ingles. Ingles din ang ginagamit na wika ng restaurant.

Sa dining area, pangunahing nagsisilbi sa Finnish ang mga server. Si Kiran Aryal, 44, na lumipat sa Finland mula sa Nepal, ay natutunan ang bagong wika sa loob ng dalawang taon. Sapat ang kasanayan sa Finnish ni Aryal para maunawaan ng mga customer.

Hindi laging ganito ang kalagayan. Para sa ilang Finns, isang problema ang mahinang Finnish ng server. Minsan, dahil ito sa saloobin ng customer. Maaaring nag-aalala ito na hindi nila maiparating ang kanilang mensahe gamit ang banyagang wika.

Si Seija Flink, 57, at Raili Välikauppi, 69, na mula sa Helsinki, na nanananghalian sa La Famiglia, ay masayang pagsilbihan gamit ang wikang Ingles. Pero nauunawaan din nila ang mga gustong mapagsilbihan sa wikang Finnish. Sa tingin nila ay dapat mayroong kahit isang nagtatrabaho na nagsasalita ng Finnish sa bawat shift.

"Isyu din ito sa kaligtasan, dahil marami nang allergy ang mga tao ngayon. Maaaring idagdag ang mga QR code sa mga menu upang mas detalyadong mabasa ng mga customer ang mga sangkap," ayon kay Välikauppi.

"Ang mga kasanayan sa wika ay hindi ang palaging pinakamahalaga"

Kailangang masanay ang mga Finns na hindi palaging mapagserbisyohan gamit ang wikang Finnish sa mga restaurant, negosyo sa turismo at tindahan. Ito ang sabi ni Timo Lappi, Managing Director ng Finnish Hospitality Association MaRa, sa Helsingin Sanomat noong Marso, nang uminit ang debate sa wika at nagpapatuloy din sa Parliament.

Kailangang magbago ang buhay sa trabaho at mga saloobin, ayon kay Senior Lecturer Markku Sippola mula sa University of Helsinki.

"Dapat nating baguhin ang ating mga saloobin upang matanggap din natin ang mga taong hindi masyadong nagsasalita ng Finnish bilang mga tagapagbigay ng serbisyo sa customer. Kailangan natin ng mga tagapagbigay ng serbisyo sa customer na alam kung ano ang kanilang ginagawa. Ang mga kasanayan sa wika ay hindi ang palaging pinakamahalaga," ayon kay Sippola.

Masyadong mahigpit ang mga kinakailangan sa wikang Finnish, ayon kay ni Quivine Ndomo, isang Kenyan researcher sa University of Jyväskylä. Pinag-aralan ni Ndomo ang kaugnayan ng mga skill sa wikang Finnish at sa trabaho sa kanyang doctoral thesis.

Sa S Group, maaari kang magtrabaho sa maraming posisyon, gaya ng chef o kitchen manager, kahit na hindi ka nagsasalita ng Finnish. Para sa mga trabaho sa serbisyo para sa customer, ang minimum na kinakailangan sa wika ay Ingles.

"Sa isang restaurant, maraming paraan upang maunawaan ka ng iba, kahit na magkaiba ang inyong wika. Sa kalagayan ko, gumagamit ako ng Google Lens kung hindi ko maintindihan."

Ayon kay Ndomo hindi kinakailangang mataas ang mga kinakailangan sa wika sa mga sektor na hindi serbisyo. Kahit isinasagawa ang trabaho sa Ingles, maaaring kailangang magsalita ng Finnish ng aplikante kapag nakikipag-usap sa coffee-room.

Ininterbyu ni Ndomo ang 51 imigrante mula sa labas ng EU para sa kanyang doctoral thesis. Ayon sa researcher, sadyang ginagawang isang subordinate workforce para sa Finnish labor market ang mga imigrante. Kadalasang ginagamit bilang dahilan ang wika para hindi kumuha ng mga highly skilled workers sa Finland, ayon kay Ndomo.

"Minsan mahirap tukuyin kung ito ay diskriminasyon o kung lehitimo ang kinakailangan sa wika. Ginagamit din ang wika bilang sandata sa mga sitwasyon kung saan hindi talaga ito kinakailangan."

Swedish sa halip na Finnish

Ayon kay Ndomo, nadarama ng ilang taong lumipat sa Finland na hindi mahalaga ang pag-aaral ng bagong wika. Ang mga kasanayan sa wika ay hindi garantiya na makakakuha ka ng trabaho at imposibleng makakuha ng perpektong kasanayan sa wika sa loob ng ilang taon.

"Kung hindi sigurado ka na makakakuha ng trabaho, bakit ka mag-aral ng wikang hindi kapaki-pakinabang sa ibang bahagi ng mundo? Narinig ko na mas gusto ng mga imigrante na mag-aral ng Swedish. Magagamit ang wikang ito sa dalawang bansa."

Sa hinaharap, malamang na maging mas malabo ang mga hadlang sa wika. Nag-aalok ang artificial intelligence ng mga paraan na makakatulong na maunawaan ang ibang wika. Naalala ni Ndomo ang isang kurso kung saan siya lang hindi nagsasalita ng Finnish.

"Gumamit ako ng Google translator para irekord at isalin ang wika sa wikang nauunawaan ko. Sapat na ang naintindihan ko."