Sa tagsibol, sumibol din ang pagkakataon para kay Peter Acapulco. Walang niyebe ang mga kalye, at makakabalik siya sa basketball court at sa mga cycle path. Hindi madaling harapin ang lamig at dilim ng Finland para sa isang Pilipino.
"Napakasaya ko na nakayanan ko ang aking unang taglamig sa Finland," ayon kay Acapulco, 32.
Nagtatrabaho si Acapulco bilang chef sa mga restaurant ng Babista, Rosso at Amarillo sa Mikkeli. Nakarating siya sa Finland sa pamamagitan ng international recruitment bilang pansamantalang manggagawa ng ahensya para sa S Group. Mula noong Oktubre 2023, si Acapulco ay isang empleyado ng Suur-Savo Cooperative Society – at ipinagmamalaki niya ito.
Ang trabaho ng chef ay halos pareho kahitsaan," ayon kay Acapulco. Nakakainteres ito pero nangangailangan ng pisikal na pagsisikap, at kailangang palagi kang matuto ng mga bagong bagay. Bago lumipat sa Finland, gumugol si Acapulco ng anim na taon sa pagluluto sa mga restaurant ng hotel sa Dubai. Sa Finland, mas hindi paspasan ang trabaho at mas maganda ang suweldo.
Ginagamit sa kitchen ang mga Finnish, Ingles at non-verbal na ekspresyon, dahil hindi lamang iba pang Pilipino ang nasa team kundi pati na rin halimbawa ang mga Ukrainian.